Search Lyrics

Featured Song of the Week

Julie Anne San Jose - You are My Everything

Wednesday, February 6, 2019

Anthony Rosaldo - Larawan Mo

Performed by: Anthony Rosaldo
Composed by: Racquel Gutierrez, John Gerald Ajero, John Walter Dumagan
Album: Emperor: Ruler of the Mask OST
Length: 4:39
Record Label: GMA Music
Released: February 6, 2019


Lyrics

Natapos na ang pahinga
Ngiti pa rin dulot sa'king mukha
Lumisan ka, pinili siya
Ang mahalaga'y masaya ka

Nalulumbay habang ika'y nakatingin sa kaniya
Mahal kita, mahal mo siya
Paano ba?

Maging init ang lamig
Maging umaga ang gabi
Kung taliwas ang lahat
Mananatili sa 'yong tabi

'Di man makita ang buwan
At dumilim ang kalangitan
Asahan mo sa puso ko larawan mo'y pasan
Larawan mo'y pasan

Nais na may mapatunayan
Para sa'yo'y maipagyabang
Ito lang ang tanging paraan
Upang ako'y iyong pahalagahan

Baka sakali lang naman ako'y iyong pagbigayan
Ayoko lang naman ako'y iyong iwanan

Maging init ang lamig
Maging umaga ang gabi
Kung taliwas ang lahat
Mananatili sa 'yong tabi

'Di man makita ang buwan
At dumilim ang kalangitan
Asahan mo sa puso ko larawan mo'y pasan
Larawan mo'y pasan

Nagtitiis, naghihintay
Nananabik na baka sakaling
Pag-ikot ng 'sang sandali
Ako naman ang iyong mapili, mapili

Maging init ang lamig
Maging umaga ang gabi
Kung taliwas ang lahat
Mananatili sa 'yong tabi

'Di man makita ang buwan
At dumilim ang kalangitan
Asahan mo sa puso ko larawan mo'y pasan
Larawan mo'y pasan

Mundo mo siya, langit kita
Paano na?



Music Video

No comments:

Post a Comment