Search Lyrics

Featured Song of the Week

Julie Anne San Jose - You are My Everything

Saturday, April 13, 2019

Agsunta - Bulalakaw

Performed by: Agusnta
Album: Cain at Abel OST
Length: 3:50
Record Label: GMA Music
Released: November 19, 2018


Lyrics

Bata pa tayo noong araw
Laging nag-aabang ng bulalakaw
Bata man tayo ay sa bituin nakasakay
Mga pangarap natin ay aabutin ng sabay

Ngunit 'di natin pansin
Problema'y unti-unting dumarating
Sa buhay nga ba na ito ay magwawagi pa rin?

Parang laro lang ang buhay
Nasa sa'yo kung lalagyan ng kulay
Bawat minutong dumaan
Ay sa pangarap ilalaan

Magkapatid, magkasangga
Walang puwedeng bumangga
Kapatid, karamay at kakampi
Sa atin ay walang mang-aapi

Sa pagkawalay ay parehas tayong
Natutong mag-isa
Sa mga bagay-bagay ay
Natutong 'di umasa sa iba

Hindi mo pa rin pansin
Parehas tayo ng sinasabi
Na sa buhay na ito ay magwawagi ka rin 

Parang laro lang ang buhay
Nasa sa'yo kung lalagyan ng kulay
Bawat minutong dumaan
Ay sa pangarap ilalaan

Magkapatid, magkasangga
Walang puwedeng bumangga
Kapatid, karamay at kakampi
Sa atin ay walang mang-aapi

Sana laro na lang ang buhay
Sana puwedeng bumalik sa umpisa
'Pag nagkamali babalik sa simula

Magkapatid, magkasangga
Walang puwedeng bumangga
Kapatid, karamay at kakampi
Sa atin ay walang mang-aapi

Sa atin ay walang mang-aapi



Lyric Video

No comments:

Post a Comment