Album: My Sassy Girl OST
Length: 4:07
Record Label: Curve Entertainment Inc.
Released: December 7, 2018
Lyrics
Kay dami-raming kailangang pag-awayan
Kay dami-raming kailangang pag-usapan
Nagpapa-bebe ka na naman
Hindi na nagbago
Ilang taon na ang nagdaan
Wala nang nagbago sa'yo
Sandali lang...
Wag mo muna akong sigawan
Sige na, tama ka na
Hindi na nga kokontra
Oo na, mali na ako
May mali na kaya tama na 'to
Sige na... Sige na...
Simula nang una kita na makilala
Ang isang katulad mo'y minahal ko na ng sobra
Tamang hinala ka na naman
Hindi na nagbago
Ilang taon na ang nagdaan
Tunay ang pag-ibig kong ito
Sandali lang...
Ako sana'y iyong pakinggan
Sige na, tama ka na
Hindi na nga kokontra
Oo na, mali na ako
May mali na kaya tama na 'to
Sige na... Sige na...
Madalas man tayong nag-aaway
Ganun pa man ikaw at ako'y nanatiling matibay
'Di magsasawa na ibigin ka
Mahal kita aking sinta
Sige na, tama ka na
Hindi na nga kokontra
Oo na, mali na ako
May mali na kaya tama na 'to
Sige na... Sige na...
Lyric Video
Lyric Video
No comments:
Post a Comment