Search Lyrics

Featured Song of the Week

Julie Anne San Jose - You are My Everything

Saturday, March 9, 2019

Gloc-9 - Maleta feat. Julie Anne San Jose

Performed by: Gloc-9 featuring Julie Anne San Jose
Length: 4:45
Record Label: Universal Records
Released: February 15, 2019


Lyrics

Ayoko na sa'yo
Dahil lahat ng sinabi mo'y hindi totoo
Ano ang plano mo?
Kapag lahat ng binali ko'y sagad na sa buto

Pero nakapagtataka
Bakit mahal pa rin kita?
O sadyang nakapagtataka
Dahil mahal pa rin kita

Lumapit kahit na malayo ka
Ang lahat ay ginawa
Ano nga bang napala?
Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa

Kahit kaya pa'y paalam na
'Di ko makakaila
Kahit na sa kabila ng lahat
Ay hahanapin ka pa rin sa simula

Lumapit kahit na malayo ka
Ang lahat ay ginawa
Ano nga bang napala?
Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa

Kahit kaya pa'y paalam na
'Di ko makakaila
Kahit na sa kabila...
Malay mo ay magkita pang muli

Maleta sa pintuan na nakaabang
Damit at mga alaala ang siyang laman
Mabigat mang buhatin ay aking pasan-pasan
Matagal na pinag-isipan nang matuklasan
Ang katotohanang 'di matago, madami nang nagbago
Kahit malayo ay tanaw, malinaw 'di malabo
Mahabang listahan ng mga 'di natupad na pangako
Parang gamu-gamo sa ganda mong nakakapaso
Nakakasilaw na parang ilaw ng jeep sa kalsada
'Di man sigurado ang kita ay namamasada
Parang pagtingin mo sa'kin pwede ka bang kausapin?
'Di ko sukat akalain mangyayati 'to sa atin
Ang hirap mong hagilapin, laging laman ng dalangin
Liham na sana'y meron ka pang oras na basahin
Kahit basa na ng luha't ubos na ang tinta
'Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita

Lumapit kahit na malayo ka
Ang lahat ay ginawa
Ano nga bang napala?
Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa

Kahit kaya pa'y paalam na
'Di ko makakaila
Kahit na sa kabila ng lahat
Ay hahanapin ka pa rin sa simula

Lumapit kahit na malayo ka
Ang lahat ay ginawa
Ano nga bang napala?
Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa

Kahit kaya pa'y paalam na
'Di ko makakaila
Kahit na sa kabila...
Malay mo ay magkita pang muli

Bata pa nang makilala ka, disi-otso anyos
Niligawan kaya 'di muna ko nakatapos
Malayo ang pagitan, 'pag naiwan humahangos
Mga paang nakagapos sa pawis naghihilamos
Pero naabutan, mailap na hayop napaamo
Hawak-kamay nilakaran ang lupa sa malalayo
Marami ang nagsabi na hindi raw mangyayari
Na ang isang katulad ko ay ituturing mong hari at iyong mundo
Lahat ng hirap ko'y napawi
Kahit magulo ang lawa ng mga kamay, hinawi
Sa tagal ng pinagsamahan, dalawampung taon
Ikaw ang nagpalala sa'kin, sino ako noon
At ano ang meron nang aking mapuno ang balon
At mga bangin na ako pa lamang ang tumalon
Kaya kahit basa na ng luha't ubos na ang tinta
'Di ako makapaniwala na mahal pa rin kita

Ayoko na sa'yo
Dahil lahat ng sinabi mo'y hindi totoo
Ano ang plano mo?
Kapag lahat ng binali ko'y sagad na sa buto

Pero nakapagtataka
Bakit mahal pa rin kita?
O sadyang nakapagtataka
Dahil mahal pa rin kita

Lumapit kahit na malayo ka
Ang lahat ay ginawa
Ano nga bang napala?
Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa

Kahit kaya pa'y paalam na
'Di ko makakaila
Kahit na sa kabila ng lahat
Ay hahanapin ka pa rin sa simula

Lumapit kahit na malayo ka
Tama na ang salita
Sino ang may napala?
Dito ka sa kanan, ako naman ang sa kaliwa

Kahit kaya pa'y paalam na
'Di ko makakaila
Kahit na sa kabila...
Malay mo ay magkita pang muli



Lyric Video

No comments:

Post a Comment