Search Lyrics

Featured Song of the Week

Julie Anne San Jose - You are My Everything

Wednesday, March 6, 2019

Melbelline Caluag - 'Di na Lang Ikaw

Performed by: Melbelline Caluag
Composed by: Ann Figueroa
Mixed by: Harry Bernardino
Album: My Special Tatay OST
Lenght: 5:00
Record Label: GMA Music
Released: February 15, 2019


Lyrics

Ooohhh

Kaya kong tumawa sa lahat ng biro mo
Kahit ilang beses mo nang pinaulit-ulit 'to
Kaya kong kulangin sa tulog
'Pag kausap ka na 'di na inaantok

Kaya kong gawin lahat ng hilingin mo sa 'kin
Ngunit 'di ko lang magagawang aminin

Na habang tayo'y magkasama 'di ko mapigilang
Mahulog ang damdamin ko sa'yo
Kahit mukha mang imposible na ako'y ibigin mo
Bakit 'di ko magawang 'di na lang ikaw ang siyang ibigin ko?

Kaya kong ngumiti kahit nagseselos na
Sa tuwing kinukuwento mo'ng mga nangyari sa inyong dal'wa
Kaya kong magpanggap at asarin ka pa
Na bagay kayo, na sana kayo
Oh hanggang kailan magdurusa?

Hindi ko man gawain magkunwari at magpanggap
Ngunit pa'no sasabihin kung nasa iba ang 'yong hanap?

Habang tayo'y magkasama 'di ko mapigilang
Mahulog ang damdamin ko sa'yo
Kahit mukha mang imposible na ako'y ibigin mo
Oh bakit 'di ko magawang 'di na lang ikaw ang siyang ibigin ko?

Mapapagod din ang aking puso
'Di mabuti ang umasa nang walang pangako
Ngunit habang ikaw pa rin ang siyang sigaw
Ako ay lalayo na muna at maliligaw

Baka sakali lang naman matagpuan
Ng tunay na pag-ibig na walang hanggang

Nang 'di ko na kailangan pang pigilan
Na mahulog ang damdamin kong ito sa'yo
Dahil aking matutunan na ito ay tanggapin
Mga sugat ng puso'y hihilom rin

Panahon ay aking kakaibiganin
At magagawang pillin na di na lang ikaw ang siyang ibigin ko



Lyric Video

No comments:

Post a Comment