Search Lyrics

Featured Song of the Week

Julie Anne San Jose - You are My Everything

Tuesday, January 7, 2020

Julie Anne San Jose & Rico Blanco - Isang Gabi

Performed by: Julie Anne San Jose & Rico Blanco
Composed by: Rico Blanco
Length: 4:48
Record Label: Universal Records
Released: October 18, 2019


Lyrics

Hindi ko pinangarap
Na umibig ng pag-ibig na tila lason ang halik
Hindi ko inasam
Itong sakit na parang langit lamang ang pakiramdam

Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap
Sa tuwing pagmulat
Kahit na pangalan ko'y maaari lang bigkasin
Kung 'di iihip ang hangin

Hayaan mo lamang umibig ang isang pusong humihingi
Ng isang gabi

Paano bang limutin
Mga pangako na tila lumalago lang sa dilim
Nananahimik lang
Ang buhay kong biglang tumigil nang ikaw ay dumaan

Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap
Sa tuwing pagmulat
Kahit na pangalan ko'y maaari lang bigkasin
Kung 'di iihip ang hangin

Hayaan mo lamang ang puso kong hibang
At humihingi ng isang gabi, oohh

Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap
Sa tuwing pagmulat
Kahit na pangalan ko'y maaari lang bigkasin
Kung 'di iihip ang hangin

Sa tuwing pagmulat
Kahit pa... ang mga kamay maaari lang magdampi
Kapag walang nakatingin

Hayaan mo lamang ang puso kong hibang
At humihingi ng isang gabi
Ng isang gabi



Lyric Video

No comments:

Post a Comment